Idineklara ang August 31 na National Heroes Day, kaya sarado po ang aming mga tanggapan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng araw ng ating mga bayani. Gusto rin naming kilalanin ang isa sa mga bagong bayani sa Bangko ng Kabuhayan: ang aming OIC sa Funds Management na si Ms. Jackielou Garachico. Empleyado na siya rito mula noong April 27, 2009, at marami na siyang nagawa at naitulong sa ating bangko. Ngunit higit pa rito ang ginawa niya ngayong taon, dahil mula nang ipatupad ang quarantine hanggang ngayon, siya ay nananatili sa extension office ng ating head office sa Pasig. Araw-araw siyang pumapasok upang maipagpatuloy ang pagsisilbi sa ating mga kliyente. Maraming salamat po, Ms. Jackielou! Saludo kaming lahat sa iyo!
Mula sa kanyang boss: “Si Jackielou H. Garachico ay isang matapat, masipag, hardworking na empleyado ng BnK. Nagsimula sya bilang OJT at nakitaan siya ng galing kaya kinuha bilang Teller sa Head office. Na-assign din siya pagkatapos sa San Joaquin branch ng mga ilang taon. Dahil sa kanyang katapatan, husay, galing at sipag sa kanyang tungkulin, naging Kahera siya ng BnK at ngayon ay isa na siyang Acting Head ng Cash Management Department (OIC, Funds Management). Sa kanyang 11 years bilang empleyado natin, marami na siyang nai-ambag sa BnK. Nito ngang COVID-19 pandemic, si Jackie ang isa sa mga matatapang na pumapasok para magbigay ng serbisyo sa ating mga depositor, borrower, at sa kapwa-empleyado. Siya ay mapagkakatiwalaang empleyado ng BnK. Congratulations, Jackie! Isa kang tunay sa bayani ng ating Bangko.”