About Us

Rural Bank Act

Noong Hunyo 1952, sa pangunguna ni Senador Eulogio “Amang” Rodriguez, Sr., isinabatas ng Philippine Congress ang Rural Bank Act (RA 720) at nilagdaan ito ni Presidente Elpidio Quirino. Ang batas na ito ang naging daan upang magkaroon ng mga rural banks, na naglayong magbigay ng tulong-pinansiyal sa mga maliliit na negosyanteng nasa labas ng lungsod at hindi naaabot ng serbisyo ng mga regular na mga bangko.

Sa bisa ng RA 720, itinaguyod ang Bangko ng Kabuhayan bilang Rodriguez Rural Bank noong ika-12 ng Nobyembre 1952. Ito ang kauna-unahang rural bank sa buong Pilipinas. Binuksan ang unang tanggapan nito noong ika-11 ng Disyembre 1952.

Bangko ng Kabuhayan Milestones

  • November 12, 1983

    Nagbukas ng isa pang tanggapan sa 207 M. Concepcion St., San Joaquin, Pasig City na kalauna’y lumipat sa Unit 42 LA Townhomes, San Guillermo, Buting, Pasig City.

  • September 08, 1992

    Itinayo ang ikatlong tanggapan sa Unit 2 RNC Building General Luna St., Ampid 1, San Mateo, Rizal.  

  • December 11, 1995

    Isang bagong tanggapan ang binuksan sa 83 Circumferential Road, Antipolo City.  

  • July 31, 2007

    Ang ngayo’y kinikilalang Bangko ng Kabuhayan head office ay itinayo sa Rayle Building, 52 Dr. Sixto Antonio Avenue, Pasig City.  

Ground Floor Rayle Building
52 Dr. Sixto Antonio Ave.
Kapasigan, Pasig City, Manila, Philippines

Telephone No.: (02) 8643-4381 / (02) 8643-4383
Fax No.: (02) 8641-0212
Email : headoffice@bnk.com.ph

Copyright © 2019
Bangko ng Kabuhayan