Rural Bank Act
Noong Hunyo 1952, sa pangunguna ni Senador Eulogio “Amang” Rodriguez, Sr., isinabatas ng Philippine Congress ang Rural Bank Act (RA 720) at nilagdaan ito ni Presidente Elpidio Quirino. Ang batas na ito ang naging daan upang magkaroon ng mga rural banks, na naglayong magbigay ng tulong-pinansiyal sa mga maliliit na negosyanteng nasa labas ng lungsod at hindi naaabot ng serbisyo ng mga regular na mga bangko.
Sa bisa ng RA 720, itinaguyod ang Bangko ng Kabuhayan bilang Rodriguez Rural Bank noong ika-12 ng Nobyembre 1952. Ito ang kauna-unahang rural bank sa buong Pilipinas. Binuksan ang unang tanggapan nito noong ika-11 ng Disyembre 1952.
Bangko ng Kabuhayan Milestones
-
November 12, 1952
Itinayo ang Banco Rodriguez (ang orihinal na pangalan ng Bangko ng Kabuhayan) sa San Joaquin, Pasig City na kalauna’y lumipat sa Buting, Pasig City.
-
1992
Itinayo ang pangalawang branch sa San Mateo, Rizal.
-
1995
Nagkaroon ng panibagong branch sa Antipolo City.
-
2007
Nagbukas ang bagong branch ng Banco Rodriguez sa Kapasigan, Pasig City.
-
2016
Bagong pamamahala ng Bangko:
- – Compania De Maria Clara Holdings, Inc.
- – First Lucky Holdings Corp.
- – MMP Investments, Inc.
- – Amang Rodriguez Holdings, Inc.
-
2018
Bangko ng Kabuhayan, (A Rural Bank) Inc. ang naging bagong pangalan ng Banco Rodgriguez