From Our Happy Customers
Mr. and Mrs. Patal
Grocery Owner and Rice Dealer
“Bangko ng Kabuhayan has greatly contributed to the growth of our business. We started with a grocery store and now, we also have a rice retail/wholesale business. In addition, we were able to acquire a vehicle that we use for our business, enabling us to meet our client’s needs more efficiently. Thank you, Bangko ng Kabuhayan.”
Joan Santos
NJOY Catering Service
Patuloy kaming nagpapasalamat sa Bangko ng Kabuhayan, dahil sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa aming negosyo sa kabila ng pandemya. Hindi naging hadlang ang Covid-19 sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa aming mga kliyente. Ang Covid-19 ay hindi biro, maraming empleyado ang nawalan ng trabaho, maraming negosyo ang nalugi at nagsara, pero ang NJOY Catering Services ay patuloy pa ring lumalaban at mas lalo pang pinatatag sa hamon ng buhay. Sa muli, maraming salamat Bangko ng Kabuhayan! Hindi ninyo kami iniwan sa aming laban.
Patrick Perez
Jenrick Mini Mart Owner
I really didn’t think Bangko ng Kabuhayan could help me achieve the business that I absolutely wanted. A grocery store is my business choice because food is one of the basic needs in everyday life. Before having the general merchandise, we used to buy and sell properties from Pag-ibig and one of them was used for our grocery store. With the help of Bangko ng Kabuhayan, I was able to buy properties at Banker’s Village to open an additional branch and room rentals. Thank you so much Bangko ng Kabuhayan for doing a great job !
Hindi ko inakala na matutulungan kami ng Bangko ng Kabuhayan upang matupad ang plano na magtayo ng negosyo. Isang grocery store ang gusto naming negosyo dahil ang pagkain ay isa sa mga pinaka pangunahing pangangailangan ng tao. Napabuti ng Bangko ng Kabuhayan ang aming buhay dahil katuwang namin ito sa pagpapalago ng negosyo. Nagkaroon kami ng pagsuporta at karagdagang puhunan sa aming mga produkto. Malaki din ang naitulong nito lalo na sa mga negosyanteng katulad ko na nangangailangan ng karagdagang puhunan para sa paglago nito.
Patuloy ang pagtangkilik ko sa Bangko ng Kabuhayan dahil maayos ang serbisyo, tama ang interest, at nagbibigay gabay din ito sa akin para patuloy na mapalago ang aming negosyo. Maraming salamat, Bangko ng Kabuhayan!
Rhoda Garcia
Sari-sari store owner
I can’t believe how far our business has come after Bangko ng Kabuhayan lent us additional capital and at the same time we were able to save more. At first, we tried borrowing from other informal sources but because of the high interest, we weren’t able to save money. With Bangko ng Kabuhayan, I have been able to acquire more assets to help my business grow and that’s why until now, despite the pandemic, I still continue to renew my loan with Bangko ng Kabuhayan. I am very thankful for the ways the Bank has supported our business and for trusting me as one of your clients also. Great job, BnK!
Malaki ang naitulong ng Bangko ng Kabuhayan sa aming negosyo. Noong una, nasubukan namin na manghiram ng dagdag puhunan sa ibang paraan pero dahil sa laki ng interest, hindi ganoon kalaki ang naipon namin. Ngunit mula ng nasubukan namin ang Bangko ng Kabuhayan, mas nagkaroon ng kabuluhan ang negosyong naipundar namin. Kahit may utang kami, may porsiyento pa rin ng bayad ang napupunta sa sariling savings account namin. Isa rin ito sa mga dahilan kung kaya’t nakapag pundar kami ng mga ari-arian na nagagamit namin para mas lalong mapalago ang aming negosyo.
Hanggang ngayon, kahit na may pandemya, patuloy pa rin ako sa pag-renew ng aking loan sa Bangko ng Kabuhayan dahil malaki ang naitutulong nito sa kagaya namin na ordinaryong tao na magkaron ng kaginhawaan sa buhay. Ipagpatuloy ninyo ang mahusay na trabaho, Bangko ng Kabuhayan!
MYRJIM LEE
JIM-MYR ENTERPRISES
I would like to express my deepest gratitude to Bangko ng Kabuhayan (A Rural Bank) Inc. for their invaluable support and for being a good partner in my growing hollow blocks manufacturing business located in Kalawaan, Pasig City. It was in October 2019 when BNK granted my first business loan amounting to P500,000.00, which was utilized for the acquisition of additional raw materials and equipment. Because of BNK’s high-quality service, minimal requirements, competitive interest/term, and hassle-free processing, I decided to maintain my loan with them and now I have been given a P700,000.00 maximum loan amount! Indeed, BNK is the best business loan company for most businesses! That’s because Bangko ng Kabuhayan is more like a loan matchmaker than a lender, which is great news to all entrepreneurs.
Malaki ang naitulong ng Bangko ng Kabuhayan sa akin dahil nadagdagan ang produksyon ng aking negosyo at napunan ko ang pangangailangan ng aking mga kliyente. Napalitan ko ang mga dating kagamitan sa paggawa ng hollow blocks at nakapag-dagdag ng mga tauhan. Napabuti rin ang aming buhay at negosyo dahil sa karagdagang kapital at kagamitang naipundar kaya’t mas naparami pa namin ang aming mga bagong kliyente dahil sa maayos na operasyon at serbisyong aming naibibigay. Bukod dito, napupunan ko din ang pangangailangan ng aking mga tauhan sa gitna ng kahirapan lalo na ngayong may pandemya.
At dahil sa magandang takbo ng aking negosyo, nakapag-pagawa ako ng bagong tanggapan para sa maayos na transakyon sa aking mga dati at bagong kliyente. Maayos na serbisyo at tamang interest ang ilan lang sa mga dahilan kaya patuloy kong tinatangkilik ang Bangko ng Kabuhayan. Hindi lamang bilang “financer” ang naging papel ng BNK sa amin bagkus nagbibigay din ito ng gabay kung paano maging maayos ang takbo ng aming negosyo. Maraming salamat, Bangko ng Kabuhayan!
Sonny Parra
S. Parra Trading & Services
We are very thankful to Bangko ng Kabuhayan because they have had a big role in the growth of our business. We sell tires and car accessories, and they were able to support our business needs to sustain our good service to our clients. We are very satisfied with the service of the bank when processing the loan. Thank you for the trust, Bangko ng Kabuhayan. More power and God bless!
Nagsimula akong mag-loan sa Bangko ng Kabuhayan taong 2018 sa halagang Php500,000.00 na naging malaking tulong sa amin at sa negosyo dahil nagkaroon kami ng pang-suporta at karagdagang puhunan sa aming mga produkto. Napabuti ng Bangko ang aming buhay dahil naging katuwang ko ito sa pagpapalago ng aming negosyo; naging magaan din sa amin ang pagbabayad dahil bukod sa mababang interest ay nakakapag-ipon pa kami kasama doon sa aking binabayaran kada buwan.
Patuloy ang pagtangkilik namin sa inyong produkto dahil maayos ang serbisyo at nagkaroon kami ng business partner sa negosyo, sa larangan ng pag-suporta sa aming pinaiikot na puhunan. Maraming salamat, Bangko ng Kabuhayan. Nawa’y mas marami pa kayong matulungan na mga katulad naming gustong umasenso at umaasa kami na magpapatuloy pa ang ating magandang samahan.
Mr. and Mrs. Nelwin and Nerissa Manansala
Neima Roofing Services
We would like to thank Bangko ng Kabuhayan (formerly Rodriguez Rural Bank Inc.) for their continued support and being a good partner in our rising and growing Roofing Business. It was 2016, when BNK granted our first business loan amounting to Php 150,000 which was utilized for the acquisition of additional raw materials and equipment. Because of their high-quality service, minimal requirements, competitive interest / term and hassle-free processing, we decided to maintain our loan and now we are given a 1-Million maximum loan amount! For more than four years with BNK, we’re happy that we were able to buy two real estate properties in San Mateo, Rizal and an additional service truck for our roofing business. So far, we are also planning to expand our business in the Rizal province. We’re lucky to have BNK. Thank you and more power!
Malaki ang naitulong ng Bangko ng Kabuhayan sa paglago ng aming negosyo. Mabilis na nababayaran ang mga materyales mula sa aming mga kliyente at nadagdagan ang aming imbentaryo. Nakabili rin kami ng dagdag na truck para sa mabilis na proseso ng negosyo at naiayos ang mga makina sa pang-araw-araw na operasyon.
Mas naparami ang mga bago naming kliyente dahil sa maayos na operasyon na aming naibibigay dahil sa sapat ng capital at kagamitan. Dahil sa magandang takbo ng aming negosyo sa loob halos ng apat na taon, kami ay nakapag-pundar ng dalawang lupa sa Rizal at naipagpatuloy ang pagpapaayos ng aming bahay sa Pampanga. Naibibigay namin ang pangangailan ng pamilya sa pang-araw-araw na buhay at natutupad ang aming mga munting pangarap.
Dahil sa maayos na serbisyo at tamang interest, patuloy naming tinatangkilik ang Bangko ng Kabuhayan. Hindi lamang bilang financer ang naging parte ng Bangko ng Kabuhayan sa amin, bagkos nagbibigay-gabay din kung paano maging maayos ang takbo ng aming negosyo.
Rosalina Sadiwa
Sewing Shop Owner/Entrepreneur
I can say that through the help of Bangko ng Kabuhayan, I was able to buy additional sewing equipment: from 7 we now have 30 sewing machines. As a result, our production increased and became more profitable. We were also able to put up a 3-storey building – 1st floor is for garments, next is our soon-to-be computer shop, and the 3rd floor serves as our home. I also acquired 5 lots located in Montalban, Rizal. I thank Bangko ng Kabuhayan for giving me this kind of opportunity.
Nagsimula akong mag-loan sa Bangko ng Kabuhayan noong 2011. Sub-con kami ng isang malaking T-shirt company ng Artwork. May mga branch sila sa mall kung saan tumatanggap kami ng purchase orders. Sa kanila nanggagaling ang tela at design, samantalang ako ang bahala sa makina, manggagawa at iba pang materyales na gagamitin. Sa tulong ng loan na na-grant sa amin ng Bangko ng Kabuhayan, nabibili ko ang mga materyales na kinakailangan, karagdagang makina, at napapasahod ko nang maayos ang aking mga mananahi.
Patuloy kong tinatangkilik ang inyong produkto at serbisyo dahil malaking tulong ang naibigay niyo sa amin. Naka-16th Cycle na ako sa Micro Loan at ngayon naman ay naka-3rd cycle na ako sa MicroPlus-S sa halagang PhP200,000-PhP300,000. Sa pamamagitan ng na-loan ko, nakabili kami ng mga makina na dating 7 lang ngayon ay 30 units na. Nakapagpatayo din ako ng gusali na may 3 palapag. Dito ko ginamit ang ibang na-loan ko sa Bangko ng Kabuhayan at nakabili din ako ng 5 lote sa Montalban.
Prince Crenjel S. Bautista
Prince Wholesale & Retail Cooking Oil
Bangko ng Kabuhayan (formerly Rodriguez Rural Bank, Inc.) did a great job in our growing business of Prince Wholesale and Retail Cooking Oil. We now have 3 branches: Tri-Star Agora, New Antipolo Market, and Sto. Niño, and have been operating for the past four years. Because of the funds lent by Bangko ng Kabuhayan, we were able to also buy a van for our business and two tricycles with the franchise, giving us another source of income, other personal vehicles, and personal savings. Also, I am happy that I was able to buy a piece of land in Payong, Antipolo with my current loan and on the next renewal, my apartment. All of this I could not have done without the help of the Bank. Thank you, and I am truly grateful to be in partnership with Bangko ng Kabuhayan.
Nagsimula ako sa Bangko ng Kabuhayan noong taong 2015 sa halagang P70,000.00 hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang aking pag-renew. Madaling kausap ang Bangko ng Kabuhayan, mababa ang interest na ibinibigay, at bukod doon ay nakakaipon pa ako nang hindi ko namamalayan. Malaki ang naitulong nito sa akin sa oras ng pangangailangan, dahil sa demand ng aking mga kliyente, nabibigyan agad ako ng pandagdag-puhunan. Napabuti ang aming buhay at negosyo dahil nakabili ako ng van at tricycles na aking ginagamit sa pag-deliver ng aking mga paninda, at bukod dito nagkaroon din po ako ng bagong pwesto at ng pansariling sasakyan. Umaasa ako sa patuloy na magandang ugnayan namin ng Bangko ng Kabuhayan.
Joan Santos
NJOY Catering Services
With the help of the business loan from Bangko ng Kabuhayan, I turned my dreams into reality. It led to a lot of opportunities like meeting people and expanding the business. With low interest rate, good payment terms, and only minimal requirements, my business surely grew and helped me achieve my goals as an entrepreneur. Thank you Bangko Ng Kabuhayan and more power.
Taong 2011 nagsimula akong magloan sa Banco Rodriguez na ngayon ay Bangko ng Kabuhayan na at mayroon akong dating maliit na Carenderia sa harap ng Dulong Bayan Elementary School. Malaki ang naitulong sa akin ng perang naloloan ko dahil may nagagamit akong dagdag puhunan sa aking negosyo at naging magaan ang aking pagbabayad linggohan dahil sa maliit na interest na ibinibigay ng Bangko ng Kabuhayan at may kalakip pa itong Insurance na puprotekta sa akin at sa negosyo.
Patuloy ang aking pagtangkilik sa serbisyo ninyo dahil sa mabilis ninyong pagproseso ng loan at dahil na din sa bago nyong produkto na monthly ang pagbabayad na syang lalong nakapagpagaan sa aking obligasyon. Sa kasalukuyan ay may pinasok ulit akong negoyo kung saan nagsiserve kmi ng lunch at dinner sa Quantrics Call Center sa Loob ng Sm San Mateo na ayon sa company from 300 employees ay magiging 1000 na ito bago matapos ang taon kaya naman patuloy kong tatangkilikin ang inyong serbisyo.
Lahat ng niloloan ko sa Bangko ng Kabuhayan ay ginagamit ko sa negosyo kaya naman taong 2013 ay nakapagpatayo ako ng Catering Services na kilala sa Tawag na NJOY Catering Services. Nakapagpundar ako ng mga gamit sa catering, 6 Delivery Van, nakapag hired ng 11 employees at 50 on call. Mayroon na din akong Business Page sa Facebook na may 27,000 followers kaya nakapagcater ako sa isang araw ng 6 hanggang 7 events at dahil sa sipag at tyaga nakapagpatayo kami ng bagong bahay at nakapag pundar ng mga sasakyan.
Mary Ann D. Urgello
Aprildake Softdrinks Dealer
We might not go this far if Bangko ng Kabuhayan did not support us. The opportunity given by the bank helped our small business grow and fortunately increased our stocks inventory. With perseverance and a good understanding of the business, we earned more clients and loyal retailers, making our business become better. And, here we are, 8 years later, still in partnership with Bangko ng Kabuhayan, we were able to acquire three units of Truck use for our business and properties located at Baras, Rizal.